Wednesday, July 13, 2011

Buod ng "Pag-ibig sa loob ng Katotohanan"

Sa paggawa ng kalooban ng Diyos natin natatagpuan ang katotohanan.

Ang sinulat na Encyclical na 'Caritas in Veritate' ni Papa Benito XVI, ay tumatalakay sa mga mahahalagang bagay para sa kaunlaran ng bawat tao at ng kaunlaran ng lipunan. Sinasagot nito ang mga tanong na: Ano ang Pag-ibig, ano ang Katotohanan, ano ang Doktrinang Panlipunan o “Social Doctrine” ng Iglesiya , ano ang kaugnayan ng mga turo na ito sa ating panahon ngayon: kakulangan sa trabaho, pandaigdigang kagutuman, paghihirap at kurapsyon sa pamahalaan

Tinukoy ng Santo Papa ang mga katungkulan at limitasyon ng mga pamahalaan. Nagbigay din siya ng hamon sa iba't-ibang mga idelohiya o paraan ng pag-iisip na mayroon tayo ngayon upang makapag-bigay ng oportunidad para sa pagbabago.

Ang Pagmamahal Kaisa ng Katotohanan o “Caritas in Veritate” na pinatotohanan ni Hesu-Cristo nang Siya ay namuhay sa mundo ay ang pinaka-ugat ng lahat ng uri ng totoong pag-unlad ng bawat tao at sangkatauhan. Ito ay ipinakita ni Hesus lalo na sa Kanyang pagkamatay at muling-pagkabuhay. Nahahanap ng bawat tao ang makakabuti sa kanya sa pamamagitan ng pagsunod niya sa plano ng Diyos. Sa planong ito, makikita ng tao ang katotohanan tungkol sa kanilang sarili at makakamit niya ang kalayaan sa pamamagitan ng kanyang pagsunod sa plano ng Diyos(cf. Jn 8:22).

Ang lahat ng tao ay nakakaramdam ng pagnanais na magmahal nang tunay. Ang Pagmamahal at Katotohanan ay ang mga bokasyon na itinanim sa atin ng Diyos sa ating mga puso at isip. Kay Kristo, ang pagmamahal na kaisa ng katotohanan ay ang naging mukha ng Kanyang Persona, isang bokayson upang mahalin natin ang ating mga kapatid sa katotohanan ng Kanyang plano.

Ang Pagmamahal ay ang pinaka-puso ng Doktrinang Panlipunan ng Iglesiya. Ang lahat ay mula sa Pagmamahal ng Diyos, ang lahat ay nagkakahugis dahil sa Pagmamahal, ang lahat ay patungo Pagmamahal.

Ang Katotohanan naman ay kailangang hanapin at matagpuan sa "oikonomia" o plano ng Pagmamahal, ngunit ang Pagmamahal ay kailangang maunawaan, mapagtibay at maisabuhay sa ilaw ng katotohanan.

Sa malapit na kaugnayan na ito ng Katotohanan sa Pagmamahal, ang Pagmamahal ay makikilala bilang tunay na pagpapahayag ng pagkatao at pangunahing elemento sa ating pakikipag-kapwa-tao. Ang Katotohanan ay ang ilaw na nagbibigay kahulugan at kahalagahan sa Pagmamahal. Ang Katotohanan ang ilaw ng dahilan at ng pananampalataya na nagbibigay kakayahan sa ating kaisipan upang makamit ang natural at sobrenatural na katotohan ng pagmamahal. Kung wala ang Katotohanan, ang pagmamahal ay bumababa lamang sa mga tanging nararamdaman. Sa ganito, ang pagmamahal ay nagiging sisidlan lamang ng kung anuman ang naisin natin.

Ang Katotohanan ay nagpapalaya sa pagmamahal mula sa mga limitasyon ng mga purong nararamdaman, sa mga bagay na nag-aalis ng mga relasyon, sa mga elementong pang-sosyal at pananampalataya na tumatanggal ng maka-taong aspeto. Dahil sa ang Pagmamahal ay puno ng Katotohanan, ang Pagmamahal ay nauunawaan sa pamamagitan ng kahalagahan nito, kahalagahang atinh naipapamahagi at naipapahayag. Ang Katotohanan, sa pagtulong nito sa tao upang iwan ang kanilang mga personal na opinyon at kaisipan, ay nagbibigay kakayahan upang ang tao ay gumalaw nang higit pa sa limitasyo ng kultura o limitasyon ng kasaysayan. Ito ay humahantong sa pagpapahalaga sa totoong saysay at substansya ng mga bagay. Ang Katotohanan ay nagbubukas at nagbubuklod ng ating mga isip sa lógos ng pagmamahal: ito ang ipinapahayag ng Kristianismo at ang pagpapatotoo ng pagmamahal.

Ang Kristianismo na walang katotohanan ay maaring maging katumbas lamang ng grupo ng magandang damdamin, na maaaring makatulong sa pagkaka-isa ng lipunan, ngunit nakakapag-bigay lamang napakahinang relasyon sa loob nito. Ang Pagmamahal ay naibunyag na at nagkaroon ng presensiya sa pamamagitan ni Kristo(cf. Jn 13:1) at "ibinubuhos sa ating mga puso sa pamamgitan ng Espiritu Santo” (Rom 5:5). Bilang mga minamahal ng Diyos, ang babae at lalaki ay napapa-ilalim sa pagmamahal na ito, sila ay tinawag upang maging instrumento ng grasya, upang ibuhos ang pag-ibig ng Diyos at upang humabi ng lipunan ng pagmamahal.

Ang kinakailangan lalo nila ay ang mahalin at ipakita ang katotohanan. Kung wala ang katotohanan, kung wala ang pagtitiwala at pagmamahal sa kung ano ang katotohanan, wala din ang konsiyensya at pagiging responsable ng lipunan. Kung ganito, ang paggalaw ng lipunan ay para lamang sa personal na interes at mentalidad na nakabase sa kapangyarihang nagbubunga pagkakawatak-watak lalo na sa lipunan ng mundo sa oras ng kahirapan. Ang Pagmamahal ay higit pa sa hustisiya dahil ang magmahal ay ang mag-bigay, ang mag-alok ang kung ano ang "akin"; ngunit 'di ito nagkukulang sa katarungan na nagsasabi sa atin na ibigay ang nararapat sa iba. Ang Katarungan ay ang pangunahing paraan ng pagmamahal o, sa pananalita ni Pablo VI, “ang pinaka-kaunting hustong sukatan" nito[2], ang kinakailangan bahagi ng pagmamahal” (1 Jn 3:18), ang siyang pinapaki-usap ni San Juan. Sa kabilang banda, ang pagmamahal ay lumalagpas sa Katarungan at kumokompleto nito sa pamamgitan ng pagbibigay at pagpapatawad.

Ang magmahal sa isang tao ay ang magnais ng kanyang ikabubuti at ang kumilos upang makamit ito. Ang maghangad ng ikabubuti para sa lahat at ang magpursigi para dito ay pangunahing elemento ng katarungan at ng pagmamahal.

Populorum Progressio

Mayroon tayong facebook, twitter email, mga 'smart devices'. Nalalaman natin ang mga nangyayari sa kabilang dako ng ating mundo sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya sa komunikasyon. Mayroong mas matinding pagsasalamuha ng kultura at ideya ng mga bansa ngunit ang bilis ng pagbuo ng koneksyon ay 'di napapantayan ng etikal na pagha-halubilo ng konsiyensya at ng isipan. Ang ugnayan na nabubuo ay nagkukulang ng perspektibo na mahalaga para sa buong kaunlaran ng bawat tao: katawan at espiritu. Tinalakay ni Benito XVI ang mga Katuruang Panlipunan o 'Social Doctrine' na nakapaloob sa Encyclical na isinulat ni Papa Pablo VI noong 1967. Ang Encylical na ito ay ang “Populorum Progressio” na nagbibigay liwanag sa sitwasyon ng lipunan natin ngayon at sa kaunlaran ng mga tao. Itinuro niya na ang pangunahing paraan sa pag-unlad ng mga tao ay ang pamumuhay sa loob ni Kristo at dapat nating linangin ang ating sarili sa pamamagitan ng paggamit ng ating mga puso at ng ating kaalaman. Ang mga ito ay siyang pag-galaw sa loob ng Pagmamahal at ng Katotohanan o sa "Caritas in Veritate" . Ano ang misyon ng Simbahan sa ating lipunan? Walang teknikal na solusyon ang Iglesiya sa ating mga kasalukuyang suliranin. Hindi humahadlang ang Iglesiya sa politika ng Estado ngunit ang Iglesiya ay may misyon upang ipangalat ang katotohanan upang masigurado na ang lipunan ay nakasentro sa tao: sa dignidad ng tao at sa bokasyon.

Ano ang kahulugan ng "Caritas in Veritate" o Pag-ibig sa loob ng Katotohanan?

Ngayong alam na natin kung saan mahahanap ang katotohanan ng tungkol sa tao, sa pamamagitan ng katotohanang ito, nagkakaroon tayo ng pagkakataon na tunay na mahalin ang kapwa upang makatulong sa kanilang paglago at upang makamtan natin ang hustisya at ang kapayapaan. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay lumalagpas pa kahit sa mga pagkukulang sa kultura o nakaraan ng tao. Halimbawa, alam ng kahit anong bansa na ang pumatay, ang magnakaw at mangalunya ay mali kahit anupaman ang kultura at relihiyon ng mga tao. Kung mahal natin ang tao ng tunay, kailangan natin silang mahalin sa pamamagitan ng katotohanan. Hindi ito madali kung minsan at kung minsan ito pa nga ay sanhi ng pagtatakwil at pag-iwan sa tao lalo na kung sinasabihan natin ang iba na mali ang kanilang ginagawa. Ang pinaka ehemplo ng prinsipyo ng Caritas in Veritate ay si Hesu-Cristo na siyang nagpakita ng ganitong paraan sa Kaniyang buhay sa lupa at, higit sa lahat, sa Kaniyang pagkamatay ay muling-pagkabuhay.Kahit ang Diyos na nagkatawang-tao ay nakaranas na maitakwil at maiwanan. Kay Kristo, nakikita natin ang mukha ng Pagmamahal sa loob ng Katotohanan, na siya ding pagtawag sa atin na mahalin ang ating mga kapatid sa katotohanan ng Kaniyang plano. Si Hesus mismo ang Katotohanan. Minsan, nagmamahal tayo batay sa ating mga maling akala at batay sa ating mga nararamdaman na 'di katiyakan ng tunay na pag-ibig. Ang pagkakamali na ito ay minsang nagdadala sa atin na gawin ang laban sa pag-ibig. Saan natin makikita ang katotohanan? Nahahanap natin ang katotohanan sa batas ng kalikasan o "Natural Law" na siyang likas na sistema ng mga bagay. Unti-unti nating nakikita ang plano ng Diyos para sa sangnilikha at para sa mga tao. Higit sa lahat, nakikita natin ang katotohanan sa pagtingin natin kay Kristo kung saan ang paghahanap natin sa pag-ibig at katotohanan ay pinadadalisay at pinapalaya niya sa kabila ng ating mga kahinaan tulad ng paghina ng ating mga isip at mahinang kalooban na mga bunga ng Orihinal na Kasalanan. Ibinunyag ni Hesus ng buo kung ano ang pag-ibig at ang tunay na plano na inihanda ng Diyos para sa atin. Paano natin nalalaman ang katotohanan tungkol sa ating mga sarili? Maari ba nating makilala ang katotohanan? Ang Diyos ay mabuti at makapangyarihan. Sa kabutihan niyang ito, binigyan Niya tayo ng kakayahan upang mahanap at malaman ang katotohanan. Nangangahulugan na ang ating pagnanasa upang hanapin ang katotohanan ay bokasyon ng bawat tao na itinanim ng Diyos sa loob ng ating mga sarili. May tinatawag tayo sa nangyayari ngayon na "relativization of truth" na isang maling paniniwala na ang 'katotohanan' para sa isang tao ay maaring hindi katotohanan para sa ibang tao. Ang maling paniniwala na ito ay nagsasabi na ang 'katotohanan' ay nababatay lamang sa kung ano ang sa personal nating pananaw na totoo. Mayroon tayong madalas na sinasabi na "Kanya Kanyang paniniwala lang yan'" Alam natin na ito ay mali dahil mayroon talagang katotohanan. Ang Katotohanan mismo ay nagkatawang-tao at si Hesu-Cristo, ang Diyos na naging tao ang Katotohanan. Alam din natin na ang Katotohanan ay 'di nagbabago. Ito ay ang Katotohanan. Ang Katotohanan ay 'di gawa-gawa lamang. Ito ay natatagpuan at natatanggap. Halimbawa, alam natin na ang isang lapis ay hindi isang prutas. Maaring pilitin natin ang sarili natin at sabihin na ang lapis ay isang prutas ngunit 'di nagbabago ang katotohanan na ang lapis ay 'di isang prutas. Ano ang kahulugan ng salitang "Veritate"? Ang Pag-ibig ay 'di lang pakiramdam. Ito ay grasya, ito ay bigay ng Diyos mula sa kanyang kabutihan. Tinatawag Niya tayo upang ibigay ang pag-ibig na ito. Ang pag-ibig na ito ay nabunyag at kapiling natin kay Hesus at ibinigay sa atin sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Tayo din ay tinatawag upang bumuo ng ugnayan ng pagmamahal. Ang pagmamahal ay nagbibigay ng laman sa ating personal na relasyon sa Diyos at sa ating kapwa. Ito ang pinaka-puso ng Doktrinang Panglipunan ng Iglesiya. Ang bawat katungkulan na pinapa-alala ng Iglesiya ay umaagos mula sa pag-ibig na pinaka-buod ng Kautusan ng Diyos (cf. Mt 22:36- 40) Tignan natin ang salitang 'Pag-ibig'.

Ang Caritas in Veritate ay ang prinsipyo kung saan umiinog ang Doktrinang Panglipunan ng Iglesiya. Kung wala ang pagtitiwala at pag-ibig sa kung ano ang katotohanan, walang konsiyensya ang lipunan at walang pag-ako responsibilidad na siyang nagdadala ng peligro. Ang bunga nito ay ang mga pagkilos sa lipunan ay para lamang sa mga pansariling interes.

Hustisya at Kabutihan ng Lahat

Bumanggit si Papa Benito ng dalawang batayan para sa moral ng pagkilos upang malaman natin kung ito ay naayon sa prinsipyo ng Caritas in Veritate. Ang mga batayan na ito ang ang Hustisya at ang Kabutihan ng Lahat

Ano ang Hustisya? Ang Hustisya ay nagpapagalaw sa atin upang ibigay sa ibang tao ang kung ano ang para sa kanila, ang dapat sa kanila dahil sa kung sino sila at dahil sa mga nagawa nila. Ang Pag-ibig ay may Hustisya. Sa katunayan, masasabi natin na ang pinakamaliit na sukat ng Pag-ibig ay ang Hustiya.

Ang Pag-ibig ay lumalagpas pa nga sa hinihingi ng Hustisya. Halimbawa, sa pamamagitan ng Hustisya, ang ating mundo ay nagsusulong ng relasyong may karapatan at mga katungkulan. Tinitiyak nito na ang lahat ay tumutupad sa kanilang mga obligasyon. Sa Pag-ibig naman, dahil nakapaloob dito ang Hustisya, hinihingi nitong gawin ang mga kaparehong bagay ng may hustisya, ngunit dahil lumalagpas pa ang Pag-ibig sa Hustiya, isinusulong din nito ang relasyon ng pagbibigayan, awa at pagkaka-isa

Ang ika-2 batayan ay ang Kabutihan ng Lahat o “common good”. Ano ang Kabutihan ng Lahat? Ang magmahal ay ang paglalayon at pagkilos para maibigay ang mabuti para sa iba. Ang Kabutihan ng Lahat ay ang ikabubuti nating lahat, ang mabuti para sa lipunan.

Ang dalawang batayan na ito, Hustisya at Kabutihan ng Lahat ang gagabay sa atin upang masiguro ang paggalaw nang may Caritas in Veritate.

Populorum Progressio

Pinapaalala sa atin ni Papa Paulo VI ang dalawang mahalagang katotohanan.

1) Isinusulong ng Iglesiya ang kaularan ng buong pagkatao o “Integral Human development”

2) Ang “Integral Human development” ay ang kaunlaran ng buong tao kasama ng personal, sosyal, politikal, ekonomiko, and espiritwal.

Sa 2 batayan na ito, titignan natin ang mga puntos sa Populorom Progressio na tinalakay ni Papa Benito XVI. Hahatiin natin ang mga punto sa apat.

1) Tulad na ang paghanap ng tao sa katotohanan ay isang bokasyon, ang kaunlaran ng tao ay isa ring bokasyon. Ang bokasyon na ito ay nagmumula sa ating relasyon sa Diyos at nagiging ganap din sa relasyong iyon. Tayo ay tinatawag sa sariling kaunlaran gamit ng ating kalayaan. Hindi sapat ang buong pagsalalay natin sa mga sistema o institusyon na gawa ng tao. Halimbawa, hindi nagbibigay katiyakan ang pagkakaroon ng demokratikong pamahalaan upang ang bawat mamamayan ay makibahagi pagpapaunlad ng bayan. Tulad na lang sa ating bansang Pilipinas kung saan ay naibalik natin ang demokratikong pamahalaan. Nagdiwang ang mga mamayang Pilipino dahil nabawi natin ang ating kalayaan. Ngunit kung titignan natin ang kasalukuyang sitwasyon nitong mga nagdaang taon, tinatapakan pa din ng mga namumuno ang kalayaan ng mga mamamayan. Nagkukulang ang mga mamayan ng pagkukusang-loob upang makibahagi sa pambansang kaunlaran. Kinakailangan nating ipaalala sa ating mga sarili na dapat tayong makibahagi sa kaunlaran na ito. Kailangan ang aktibo at kusang pagkilos upang tumugon sa tawag ng Diyos para sa ating pagsulong

Kailangan natin ang Ebanghelyo upang bumuo ng lipunan na malaya at may hustisya. Isang lipunan na gumagalaw ng dahil sa pag-ibig. Pinakita sa atin ni Hesus kung sino tayo bilang mga tao at pinapa-alala sa atin kung sino tayo bago nahulog ang ating mga magulang sa orihinal na kasalanan. Ito ating bokasyon: ang maging katulad ni Kristo, ang buuin si Kristo sa ating mga sarili. Mayroon tayong natural na pagka-uhaw na tanging sobrenatural lamang ang makakapawi. Ang sobrenatural na ito ay ang Diyos. Alam natin ang kilalang kasabihan ni San Agustin na "ang aking espiritu ay hindi matatahimik hanggang makapanahan ito sa Diyos ".

Ang kawalan ng Diyos sa ating buhay ay nagiging sanhi ng kakulangan sa kaunlaran. Ito ay dahil sa: 1) kakulangan ng kusang-loob para sa pag-unlad dahil sa kakulangan ng pagkaka-isa na atin lamang nakakamit kung nakikita natin ang Diyos bilang Ama nating lahat. 2) kakulangan ng motibasyon para sa pag-iisip. Dahil ito sa kawalan ng direksyon ng kalooban. Sa puntong ganito, ang rason ng tao ay nagsasara para lang sa kanyang sarili sa halip ng pagiging bukas sa Diyos.

2) Sa pamamagitan ng Rason o Reason, nakikita natin na ang lahat ng tao ay magkakapantay ngunit hindi sapat ang rason upang makita na magkakapatid ang lahat ng tao. Hindi ito makapagbibigay ng relasyon bilang pamilya. Nagkakaroon lamang ng ganitong relasyon kung nakikita natin ang katotohanan na Ama natin ang Diyos.

Ang sistema ng Globalisasyon ay hindi mismong masama o mabuti. Ito ay nakasalalay sa kung papaano ito gagamitin ng mga tao. Sa globalisasyon, nakikita natin ang ating mga kapwa ngunit hindi nito itinataguyod ang pagiging magkakapatid ng lahat ng mga tao. Kailangan natin ang kapangyarihan at pagsasabuhay ng Ebanghelyo upang magkaroon ng pagka-kapatiran. Kung nakikita natin na ang lahat ng tao ay magkakapatid, ang lahat ay nararapat na magkaroon ng pantay na pakikibahagi sa kalakalan. Nagbigay ng halimbawa si Papa Benito XVI ng patotoo na nahihirapan ang mga tao na makita ang kapatiran ng lahat ng tao: ang mataas na taripa na ipinapataw ng mga mauunlad ng mga bansa ay nakakapag-pabigat sa mga mahihirap na mga bansa upang makapasok sa merkado ng mga mauunlad na bansa.

Kung gagabayab natin ang sistema ng globalisasyon, magbibigay ito ng pagkakataon sa malawakang pagbabahagi ng mga yaman sa buong mundo. Kung hindi naman ito gagabayan, ito ay magdudulot ng paglala ng kahirapan, 'di pagkakapantay-pantay at maaring maging mitsa ng krisis sa buong mundo. Nakikita natin na ang globalisasyon ay maaring makapag-bigay ng makataong layunin para sa pagkaka-isa.

Hindi laban ang Pag-ibig sa Kaalaman o Rason, bagkus, ang Pag-ibig pa nga ay nanghihingi , naghihikayat at nagbibigay buhay sa Kaalaman. Ang Kaalaman ay hindi lamang pagkilos ng isip. Ang Kaalaman ay nagiging Karunungan o “Wisdom” kung ito ay ginagamit nang naayon sa kalooban ng Diyos. Ang Pag-ibig ang nagbibigkis sa lahat ng Kaalaman.

Regalo ng Diyos para sa ating ang “Caritas in Veritate” o “Pag-ibig sa loob ng Katotohanan”. Ang lahat ng buhay ay regalo sa atin ng Diyos na nagbibigay sa atin ng kakayahan upang tumugon sa Kanya. Tayo ay nilikha upang maging regalo o handog, kaya ang kaunlarang pang-ekonomiya, panglipunan, pampulitika ay marapat na nagtataglay ng prinsipyo ng pagiging handog o “principle of gratuitousness”. “Ang prinsipyo na ito ay ang natural at mapag-bigay tugon ng tao nang dahil sa pagtanggap niya ng mga handog.

Ang pinakamalalang uri ng kahirapan na nararanasan ng tao ay ang pag-iisa. Sinabi ni Fr. Stuart ng EWTN na matatagpuan natin ang pinakamhirap sa mga mahihirap sa mga Care Homes, ang mga lolo at lola na hindi nabibisita ng kanilang mga kamag-anak o pamilya. Kung titignan natin ang iba pang uri ng kahirapan kabilang na ang materyal na kahirapan, makikita natin na ito ay bunga ng pag-iisa o pag-iwan, mga bunga ng 'di pagtanggap ng pagmamahal o kahirapan na magmahal. Ang kahirapan din ay bunga ng pagtanggi sa pagmamahal ng Diyos, ang pagsasara ng sarili, at pagtingin sa ating mga sarili na hindi nangangailangan ng ibang tao o sa pamamagitan ng pagmamaliit sa sarili. Ang pagsulong ng sangkatauhan ay nakasalalay, higit sa lahat, sa pagkilala na ang lahat ng tao miyembro ng iisang pamilya.

Bilang mga espiritwal na nilalang din, ang tao ay ginawa para sa relasyon sa kapwa-tao at sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo makakapamuhay mag-isa. Sa pang-unawa sa planong ito ng Diyos para sa tao, nakikita natin na ang mga pamayanan ay hindi lumulunod sa tao upang maglaho ang kung sino sila bilang indibidwal. Ang pamayanan ay dapat maging tulad ng pamilya na nagpapahalaga sa kung sino ang bawat tao.

3) Kung wala ang perspektibo ng 'walang hanggang buhay', nakikita lamang natin ang kaunlaran bilang isang pag-iipon ng kayamanan. Ito ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala at motibasyon para sa mas mahahalagang layunin. Ito rin ang dahilan ng mga di-makatarungang gawain at pagkilos lamang para sa kanilang sariling ikabubuti. Hindi rin naniniwala ang ibang mga tao sa Impyerno, na may kabilang buhay pagkatapos ng buhay sa mundo. Dapat ipaalala sa mga tao ang katotohanan na tatanggapin natin ang gantimpala at mga parusa nang naayon sa mga nagawa natin at mga hindi nagawa sa mundong ito.

4) Ang tao ang dapat na maging sentro ng lahat ng aktibidad ng ekonomiya. Ang lahat ng desisyong pang-ekonomiya ay nakaka-apekto sa tao. Kung minsan, ang mga mahihirap ay nakikita lamang bilang isang problemang kailangang lutasin at nakakalimutan natin na sila ay mga tao na dapat mahalin. Ang tao ang pangunahing kapital na dapat protektahan at pangalagaan. Ang tao ay ang pinagmumulan, ang pinakasentro at pakay ng lahat ng buhay pang-ekonomiya at panlipunan. Sa oras na ang materyal na tubo ang nagiging pinaka-layunin, ito ay hahantong sa pagkasira ng yaman at ng kahirapan.

Mariing pinagtitibay ng Iglesiya ang kaugnayan ng “life ethics” at ng “social ethics” nang may paninidigan na ang lipunan ay may mahinang pundasyon kung ito, sa isang banda, ay nagsusulong ng dignidad ng tao, hustisya at kapayapaan, at sa isang banda naman ay humahaya at nagwawalang bahala sa maraming kaparaanan kung saan binabali-wala at pinapababa ang halaga ng buhay ng tao.

Kailangan ng kaunlaran ang respeto sa buhay. Ang pagpapalaganap ng “demographic control”, “abortion”, “sterilization” at “euthanasia” ay hindi nagsusulong ng pag-unlad ng tao. Pinapakalat nito ang “anti-birth mentality” at pinapalabas ang mga ito na tila 'progreso ng kultura'. Ang mga mayayamang bansa ay dapat na maging bukas sa buhay na tanging makakapagbukas sa kanila sa mga mahihirap at makakatulong sa paglaban sa mga makarasariling kagustuhan.

Ano ba ang Technocratic Technology? Ang Teknolohiya ay nagbibigay kakayahan sa atin upang mapangasiwaan ang mga bagay. Ito ay ang ating pagsagot sa utos ng Diyos na linangin at pangalagaan ang lupa (Gen 2:15) na Kanyang ipinagkatiwala sa atin. Dapat makita ang mapanlikhang pagmamahal ng Diyos sa Teknolohiya. Ito ay dapat na mapangalagaan ng mga matutuwid na tao na nagmamalasakit para sa kabutihan ng lahat.

May malaking peligro kung ilalagay natin ang buong pagtitiwala sa Teknolohiya lamang para sa pagpapaunlad ng tao. Ito ay mapeligro dahil mawawalan amg Teknolohiya ng direksyon. Mali din na ituring ang Teknolohiya bilang kalaban ng tao dahil ito ay nagpapakita ng kawalang-tiwala ng tao sa Diyos at sa kakayahan ng tao na makontrol ang kaunlaran.

Ang ilan sa mga halimbawa ng Teknolohiya na walang gabay ng tamang rason ay ang “invitro fertization”, “embryo stem cell research”, ang paggawa ng mga “clones”, “eugenic programming of births”. Ang isa pang halimbawa, kung minsan ay nakikita lang natin ang mga problema at emosyon ng buhay sa purong psychological na aspeto at nagtutuon lamang ng pansin sa mga kemikal reaksyon ng ating utak. Ang mga ito ay may mga siyentipikong basehan ngunit hindi dapat limitahan ang solusyon sa ganitong aspeto ng tao.

Ang paglaki ng populasyon ng tao ay hindi ang pangunahing problema ng kaunlaran ngunit dapat din nating tandaan ang responsableng pag-aanak. Nasu-solusyonan ng mga mahihirap na bansa ang kahirapan hindi dahil sa pagbabawas ng populasyon kung hindi sa paggamit sa enerhiya at ng pagkamalikhain ng kanilang mga mamamayan. Samantala, ang ilan sa mga mga mayayaman sosyodad ay humaharap sa hamon ng pagbaba ng bilang ng mga tao at pagtanda ng populasyon na nakakaapekto sa kanilang ekonomiya.

Kailangan ng ekonomiya ang “ethics” o mga prinsipyo upang malaman ang tama at mali, “ethics” na naka-sentro sa tao. Makakatulong ang Doktrinang Panglipunan ng Iglesiya dito dahil ito ay nakabase sa pagkakalikha ng tao sa imahen ng Diyos (Gen 1:27) at sa kahalagahan ng “Natural moral norms”.

Ang kalikasan ay handog ng Diyos para sa mga tao. May responsibilidad ang tao sa paggamit nito para sa mga mahihirap, para sa mga susunod na saling-lahi at sa buong sangkatauhan. Ang bawat pagsira sa pagkaka-isa at pagka-kaibigan ng tao ay nakakasama sa kalikasan. Gayun din naman na ang pagsira sa kalikasan ay nakaka-apekto sa relasyon ng lipunan. Ang 'di paglinang sa mga lupa at kawalan ng pangangalaga ng mga agrikultural na lugar ay resulta ng kahirapan at kakulangan ng kaunlaran ng mga nakitira roon. Kapag nabigyan ng tulong pang-ekonomiya at kultural na pag-unlad ang mga tao, napapangalagaan nila ang kalikasan. Ang isa pang halimbawa na ang kabutihan ng tao ay kaugnay ng kabutihan ng kalikasan, ang mga natural na yaman ay nasisira ng mga digmaan. Ang kapayapaan sa loob at labas ng pamayanan ay nagbibigay ng proteksyon sa kalikasan. Ang mapayapang kasunduan sa paggamit ng kalikasan ay nagbibigay proteksyon dito at sa kabutihan ng pamayanan. Ang katungkulan natin sa kalikasan ay kaugnay ng katungkulan natin sa tao.

http://recordings.talkshoe.com/TC-10458/TS-417672.mp3

Konklusyon

  • Kung wala ang Diyos, hindi malalaman ng tao kung saan siya pupunta at hindi niya malalaman kung sino talaga siya.

  • Marami tayong mga hamon at kahirapan ngayon ngunit patuloy tayong nakakakuha ng lakas sa ating pananampalataya at sa sinabi ng Panginoong Hesu-Cristo na nagturo na:: “Wala kayong magagawa nang hiwalay sa akin” (Jn 15:5) ”Ako ay kasama ninyo palagi hanggang sa wakas ng panahon” (Mt 28:20).

  • Hindi natin makakamit ang tunay na makataong paglago kung nakasalalay lang tayo sa ating mga sarili. Tanging sa pag-alam natin sa ating mga bokasyon, bilang mga indibidwal at bilang komunidad, upang maging bahagi tayo ng pamilya ng Diyos natin makikita ang tamang direksyon at lakas para sa kabutihan ng tao.

  • Ang pagiging bukas sa Diyos ay nagbubukas sa atin sa ating mga kapatid . Sa pagbubukas na ito, nakikita natin ang ating buhay bilang masayang tungkulin na gagawin sa pamamagitan ng espiritu ng pagkakaisa.

  • Kung tatanggihan o kakalimutan natin ang Diyos, ihinihinto natin ang ating pagsulong at lumilikha tayo ng ma sistema na nakakasama sa tao. Nagbibigay sa atin ng pag-asa ang makita ang pagmamahal ng Diyos. Ito rin ay nagbibigay lakas sa atin upang magsikap para sa katarungan at sa kaunlaran ng mga tao. Binigyan tayo ng Diyos ng lakas upang lumaban at magdusa nang dahil sa pag-ibig sa kabutihan ng lahat dahil ang Diyos ang ating Lahat, ang ating Pag-asa

  • Kailangan ng pag-unlad ang mga Kristiano na may relasyon ng pag-ibig sa Diyos. Kasama ang esperitwal na buhay sa pag-unlad

Talasalitaan

Social Doctrine – Doktrinang Panglipunan

Common Good – Kabutihan ng Lahat

Tinalakay ni Benito XVI ang mga Katuruang Panlipunan o 'Social Doctrine' na nakapaloob sa Encyclical na isinulat ni Papa Pablo VI noong 1967. Ang Encylical na ito ay ang “Populorum Progressio” na nagbibigay liwanag sa sitwasyon ng lipunan natin ngayon at sa kaunlaran ng mga tao. Itinuro niya na ang pangunahing paraan sa pag-unlad ng mga tao ay ang pamumuhay sa loob ni Kristo at dapat nating linangin ang ating sarili sa pamamagitan ng paggamit ng ating mga puso at ng ating kaalaman. Ang mga ito ay siyang pag-galaw sa loob ng Pagmamahal at ng Katotohanan o sa "Caritas in Veritate" .

Mayroon tayong facebook, twitter email, mga 'smart devices'. Nalalaman natin ang mga nangyayari sa kabilang dako ng ating mundo sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya sa komunikasyon. Mayroong mas matinding pagsasalamuha ng kultura at ideya ng mga bansa ngunit ang bilis ng pagbuo ng koneksyon ay 'di napapantayan ng etikal na pagha-halubilo ng konsiyensya at ng isipan. Ang ugnayan na nabubuo ay nagkukulang ng perspektibo na mahalaga para sa buong kaunlaran ng bawat tao: katawan at espiritu.

Ano ang misyon ng Simbahan sa ating lipunan? Walang teknikal na solusyon ang Iglesiya sa ating mga kasalukuyang suliranin. Hindi humahadlang ang Iglesiya sa politika ng Estado ngunit ang Iglesiya ay may misyon upang ipangalat ang katotohanan upang masigurado na ang lipunan ay nakasentro sa tao: sa dignidad ng tao at sa bokasyon.

Ano ang kahulugan ng "Caritas in Veritate" o Pag-ibig sa loob ng Katotohanan?

Tignan natin ang salitang 'Pag-ibig'.

Ang Pag-ibig ay 'di lang pakiramdam. Ito ay grasya, ito ay bigay ng Diyos mula sa kanyang kabutihan. Tinatawag Niya tayo upang ibigay ang pag-ibig na ito. Ang pag-ibig na ito ay nabunyag at kapiling natin kay Hesus at ibinigay sa atin sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Tayo din ay tinatawag upang bumuo ng ugnayan ng pagmamahal. Ang pagmamahal ay nagbibigay ng laman sa ating personal na relasyon sa Diyos at sa ating kapwa. Ito ang pinaka-puso ng Doktrinang Panglipunan ng Iglesiya. Ang bawat katungkulan na pinapa-alala ng Iglesiya ay umaagos mula sa pag-ibig na pinaka-buod ng Kautusan ng Diyos (cf. Mt 22:36- 40)

Ano ang kahulugan ng salitang "Veritate"?

Ito ay ang Katotohanan. Ang Katotohanan ay 'di gawa-gawa lamang. Ito ay natatagpuan at natatanggap. Halimbawa, alam natin na ang isang lapis ay hindi isang prutas. Maaring pilitin natin ang sarili natin at sabihin na ang lapis ay isang prutas ngunit 'di nagbabago ang katotohanan na ang lapis ay 'di isang prutas.

May tinatawag tayo sa nangyayari ngayon na "relativization of truth" na isang maling paniniwala na ang 'katotohanan' para sa isang tao ay maaring hindi katotohanan para sa ibang tao. Ang maling paniniwala na ito ay nagsasabi na ang 'katotohanan' ay nababatay lamang sa kung ano ang sa personal nating pananaw na totoo. Mayroon tayong madalas na sinasabi na "Kanya Kanyang paniniwala lang yan'" Alam natin na ito ay mali dahil mayroon talagang katotohanan. Ang Katotohanan mismo ay nagkatawang-tao at si Hesu-Cristo, ang Diyos na naging tao ang Katotohanan. Alam din natin na ang Katotohanan ay 'di nagbabago.

Paano natin nalalaman ang katotohanan tungkol sa ating mga sarili? Maari ba nating makilala ang katotohanan? Ang Diyos ay mabuti at makapangyarihan. Sa kabutihan niyang ito, binigyan Niya tayo ng kakayahan upang mahanap at malaman ang katotohanan. Nangangahulugan na ang ating pagnanasa upang hanapin ang katotohanan ay bokasyon ng bawat tao na itinanim ng Diyos sa loob ng ating mga sarili.

Saan natin makikita ang katotohanan? Nahahanap natin ang katotohanan sa batas ng kalikasan o "Natural Law" na siyang likas na sistema ng mga bagay. Unti-unti nating nakikita ang plano ng Diyos para sa sangnilikha at para sa mga tao. Higit sa lahat, nakikita natin ang katotohanan sa pagtingin natin kay Kristo kung saan ang paghahanap natin sa pag-ibig at katotohanan ay pinadadalisay at pinapalaya niya sa kabila ng ating mga kahinaan tulad ng paghina ng ating mga isip at mahinang kalooban na mga bunga ng Orihinal na Kasalanan. Ibinunyag ni Hesus ng buo kung ano ang pag-ibig at ang tunay na plano na inihanda ng Diyos para sa atin.

Ngayong alam na natin kung saan mahahanap ang katotohanan ng tungkol sa tao, sa pamamagitan ng katotohanang ito, nagkakaroon tayo ng pagkakataon na tunay na mahalin ang kapwa upang makatulong sa kanilang paglago at upang makamtan natin ang hustisya at ang kapayapaan. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay lumalagpas pa kahit sa mga pagkukulang sa kultura o nakaraan ng tao. Halimbawa, alam ng kahit anong bansa na ang pumatay, ang magnakaw at mangalunya ay mali kahit anupaman ang kultura at relihiyon ng mga tao. Kung mahal natin ang tao ng tunay, kailangan natin silang mahalin sa pamamagitan ng katotohanan. Hindi ito madali kung minsan at kung minsan ito pa nga ay sanhi ng pagtatakwil at pag-iwan sa tao lalo na kung sinasabihan natin ang iba na mali ang kanilang ginagawa. Ang pinaka ehemplo ng prinsipyo ng Caritas in Veritate ay si Hesu-Cristo na siyang nagpakita ng ganitong paraan sa Kaniyang buhay sa lupa at, higit sa lahat, sa Kaniyang pagkamatay ay muling-pagkabuhay.Kahit ang Diyos na nagkatawang-tao ay nakaranas na maitakwil at maiwanan. Kay Kristo, nakikita natin ang mukha ng Pagmamahal sa loob ng Katotohanan, na siya ding pagtawag sa atin na mahalin ang ating mga kapatid sa katotohanan ng Kaniyang plano. Si Hesus mismo ang Katotohanan. Minsan, nagmamahal tayo batay sa ating mga maling akala at batay sa ating mga nararamdaman na 'di katiyakan ng tunay na pag-ibig. Ang pagkakamali na ito ay minsang nagdadala sa atin na gawin ang laban sa pag-ibig.

Ang Caritas in Veritate ay ang prinsipyo kung saan umiinog ang Doktrinang Panglipunan ng Iglesiya. Kung wala ang pagtitiwala at pag-ibig sa kung ano ang katotohanan, walang konsiyensya ang lipunan at walang pag-ako responsibilidad na siyang nagdadala ng peligro. Ang bunga nito ay ang mga pagkilos sa lipunan ay para lamang sa mga pansariling interes.

Hustisya at Kabutihan ng Lahat

Bumanggit si Papa Benito ng dalawang batayan para sa moral ng pagkilos upang malaman natin kung ito ay naayon sa prinsipyo ng Caritas in Veritate. Ang mga batayan na ito ang ang Hustisya at ang Kabutihan ng Lahat

Ano ang Hustisya? Ang Hustisya ay nagpapagalaw sa atin upang ibigay sa ibang tao ang kung ano ang para sa kanila, ang dapat sa kanila dahil sa kung sino sila at dahil sa mga nagawa nila. Ang Pag-ibig ay may Hustisya. Sa katunayan, masasabi natin na ang pinakamaliit na sukat ng Pag-ibig ay ang Hustiya.

Ang Pag-ibig ay lumalagpas pa nga sa hinihingi ng Hustisya. Halimbawa, sa pamamagitan ng Hustisya, ang ating mundo ay nagsusulong ng relasyong may karapatan at mga katungkulan. Tinitiyak nito na ang lahat ay tumutupad sa kanilang mga obligasyon. Sa Pag-ibig naman, dahil nakapaloob dito ang Hustisya, hinihingi nitong gawin ang mga kaparehong bagay ng may hustisya, ngunit dahil lumalagpas pa ang Pag-ibig sa Hustiya, isinusulong din nito ang relasyon ng pagbibigayan, awa at pagkaka-isa

Ang ika-2 batayan ay ang Kabutihan ng Lahat o “common good”. Ano ang Kabutihan ng Lahat? Ang magmahal ay ang paglalayon at pagkilos para maibigay ang mabuti para sa iba. Ang Kabutihan ng Lahat ay ang ikabubuti nating lahat, ang mabuti para sa lipunan.

Ang dalawang batayan na ito, Hustisya at Kabutihan ng Lahat ang gagabay sa atin upang masiguro ang paggalaw nang may Caritas in Veritate.

Populorum Progressio

Pinapaalala sa atin ni Papa Paulo VI ang dalawang mahalagang katotohanan.

1) Isinusulong ng Iglesiya ang kaularan ng buong pagkatao o “Integral Human development”

2) Ang “Integral Human development” ay ang kaunlaran ng buong tao kasama ng personal, sosyal, politikal, ekonomiko, and espiritwal.

Sa 2 batayan na ito, titignan natin ang mga puntos sa Populorom Progressio na tinalakay ni Papa Benito XVI. Hahatiin natin ang mga punto sa apat.

1) Tulad na ang paghanap ng tao sa katotohanan ay isang bokasyon, ang kaunlaran ng tao ay isa ring bokasyon. Ang bokasyon na ito ay nagmumula sa ating relasyon sa Diyos at nagiging ganap din sa relasyong iyon. Tayo ay tinatawag sa sariling kaunlaran gamit ng ating kalayaan. Hindi sapat ang buong pagsalalay natin sa mga sistema o institusyon na gawa ng tao. Halimbawa, hindi nagbibigay katiyakan ang pagkakaroon ng demokratikong pamahalaan upang ang bawat mamamayan ay makibahagi pagpapaunlad ng bayan. Tulad na lang sa ating bansang Pilipinas kung saan ay naibalik natin ang demokratikong pamahalaan. Nagdiwang ang mga mamayang Pilipino dahil nabawi natin ang ating kalayaan. Ngunit kung titignan natin ang kasalukuyang sitwasyon nitong mga nagdaang taon, tinatapakan pa din ng mga namumuno ang kalayaan ng mga mamamayan. Nagkukulang ang mga mamayan ng pagkukusang-loob upang makibahagi sa pambansang kaunlaran. Kinakailangan nating ipaalala sa ating mga sarili na dapat tayong makibahagi sa kaunlaran na ito. Kailangan ang aktibo at kusang pagkilos upang tumugon sa tawag ng Diyos para sa ating pagsulong

Kailangan natin ang Ebanghelyo upang bumuo ng lipunan na malaya at may hustisya. Isang lipunan na gumagalaw ng dahil sa pag-ibig. Pinakita sa atin ni Hesus kung sino tayo bilang mga tao at pinapa-alala sa atin kung sino tayo bago nahulog ang ating mga magulang sa orihinal na kasalanan. Ito ating bokasyon: ang maging katulad ni Kristo, ang buuin si Kristo sa ating mga sarili. Mayroon tayong natural na pagka-uhaw na tanging sobrenatural lamang ang makakapawi. Ang sobrenatural na ito ay ang Diyos. Alam natin ang kilalang kasabihan ni San Agustin na "ang aking espiritu ay hindi matatahimik hanggang makapanahan ito sa Diyos ".

Ang kawalan ng Diyos sa ating buhay ay nagiging sanhi ng kakulangan sa kaunlaran. Ito ay dahil sa: 1) kakulangan ng kusang-loob para sa pag-unlad dahil sa kakulangan ng pagkaka-isa na atin lamang nakakamit kung nakikita natin ang Diyos bilang Ama nating lahat. 2) kakulangan ng motibasyon para sa pag-iisip. Dahil ito sa kawalan ng direksyon ng kalooban. Sa puntong ganito, ang rason ng tao ay nagsasara para lang sa kanyang sarili sa halip ng pagiging bukas sa Diyos.

2) Sa pamamagitan ng Rason o Reason, nakikita natin na ang lahat ng tao ay magkakapantay ngunit hindi sapat ang rason upang makita na magkakapatid ang lahat ng tao. Hindi ito makapagbibigay ng relasyon bilang pamilya. Nagkakaroon lamang ng ganitong relasyon kung nakikita natin ang katotohanan na Ama natin ang Diyos.

Ang sistema ng Globalisasyon ay hindi mismong masama o mabuti. Ito ay nakasalalay sa kung papaano ito gagamitin ng mga tao. Sa globalisasyon, nakikita natin ang ating mga kapwa ngunit hindi nito itinataguyod ang pagiging magkakapatid ng lahat ng mga tao. Kailangan natin ang kapangyarihan at pagsasabuhay ng Ebanghelyo upang magkaroon ng pagka-kapatiran. Kung nakikita natin na ang lahat ng tao ay magkakapatid, ang lahat ay nararapat na magkaroon ng pantay na pakikibahagi sa kalakalan. Nagbigay ng halimbawa si Papa Benito XVI ng patotoo na nahihirapan ang mga tao na makita ang kapatiran ng lahat ng tao: ang mataas na taripa na ipinapataw ng mga mauunlad ng mga bansa ay nakakapag-pabigat sa mga mahihirap na mga bansa upang makapasok sa merkado ng mga mauunlad na bansa.

Kung gagabayab natin ang sistema ng globalisasyon, magbibigay ito ng pagkakataon sa malawakang pagbabahagi ng mga yaman sa buong mundo. Kung hindi naman ito gagabayan, ito ay magdudulot ng paglala ng kahirapan, 'di pagkakapantay-pantay at maaring maging mitsa ng krisis sa buong mundo. Nakikita natin na ang globalisasyon ay maaring makapag-bigay ng makataong layunin para sa pagkaka-isa.

Hindi laban ang Pag-ibig sa Kaalaman o Rason, bagkus, ang Pag-ibig pa nga ay nanghihingi , naghihikayat at nagbibigay buhay sa Kaalaman. Ang Kaalaman ay hindi lamang pagkilos ng isip. Ang Kaalaman ay nagiging Karunungan o “Wisdom” kung ito ay ginagamit nang naayon sa kalooban ng Diyos. Ang Pag-ibig ang nagbibigkis sa lahat ng Kaalaman.

Regalo ng Diyos para sa ating ang “Caritas in Veritate” o “Pag-ibig sa loob ng Katotohanan”. Ang lahat ng buhay ay regalo sa atin ng Diyos na nagbibigay sa atin ng kakayahan upang tumugon sa Kanya. Tayo ay nilikha upang maging regalo o handog, kaya ang kaunlarang pang-ekonomiya, panglipunan, pampulitika ay marapat na nagtataglay ng prinsipyo ng pagiging handog o “principle of gratuitousness”. “Ang prinsipyo na ito ay ang natural at mapag-bigay tugon ng tao nang dahil sa pagtanggap niya ng mga handog.

Ang pinakamalalang uri ng kahirapan na nararanasan ng tao ay ang pag-iisa. Sinabi ni Fr. Stuart ng EWTN na matatagpuan natin ang pinakamhirap sa mga mahihirap sa mga Care Homes, ang mga lolo at lola na hindi nabibisita ng kanilang mga kamag-anak o pamilya. Kung titignan natin ang iba pang uri ng kahirapan kabilang na ang materyal na kahirapan, makikita natin na ito ay bunga ng pag-iisa o pag-iwan, mga bunga ng 'di pagtanggap ng pagmamahal o kahirapan na magmahal. Ang kahirapan din ay bunga ng pagtanggi sa pagmamahal ng Diyos, ang pagsasara ng sarili, at pagtingin sa ating mga sarili na hindi nangangailangan ng ibang tao o sa pamamagitan ng pagmamaliit sa sarili. Ang pagsulong ng sangkatauhan ay nakasalalay, higit sa lahat, sa pagkilala na ang lahat ng tao miyembro ng iisang pamilya.

Bilang mga espiritwal na nilalang din, ang tao ay ginawa para sa relasyon sa kapwa-tao at sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo makakapamuhay mag-isa. Sa pang-unawa sa planong ito ng Diyos para sa tao, nakikita natin na ang mga pamayanan ay hindi lumulunod sa tao upang maglaho ang kung sino sila bilang indibidwal. Ang pamayanan ay dapat maging tulad ng pamilya na nagpapahalaga sa kung sino ang bawat tao.

3) Kung wala ang perspektibo ng 'walang hanggang buhay', nakikita lamang natin ang kaunlaran bilang isang pag-iipon ng kayamanan. Ito ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala at motibasyon para sa mas mahahalagang layunin. Ito rin ang dahilan ng mga di-makatarungang gawain at pagkilos lamang para sa kanilang sariling ikabubuti. Hindi rin naniniwala ang ibang mga tao sa Impyerno, na may kabilang buhay pagkatapos ng buhay sa mundo. Dapat ipaalala sa mga tao ang katotohanan na tatanggapin natin ang gantimpala at mga parusa nang naayon sa mga nagawa natin at mga hindi nagawa sa mundong ito.

4) Ang tao ang dapat na maging sentro ng lahat ng aktibidad ng ekonomiya. Ang lahat ng desisyong pang-ekonomiya ay nakaka-apekto sa tao. Kung minsan, ang mga mahihirap ay nakikita lamang bilang isang problemang kailangang lutasin at nakakalimutan natin na sila ay mga tao na dapat mahalin. Ang tao ang pangunahing kapital na dapat protektahan at pangalagaan. Ang tao ay ang pinagmumulan, ang pinakasentro at pakay ng lahat ng buhay pang-ekonomiya at panlipunan. Sa oras na ang materyal na tubo ang nagiging pinaka-layunin, ito ay hahantong sa pagkasira ng yaman at ng kahirapan.

Mariing pinagtitibay ng Iglesiya ang kaugnayan ng “life ethics” at ng “social ethics” nang may paninidigan na ang lipunan ay may mahinang pundasyon kung ito, sa isang banda, ay nagsusulong ng dignidad ng tao, hustisya at kapayapaan, at sa isang banda naman ay humahaya at nagwawalang bahala sa maraming kaparaanan kung saan binabali-wala at pinapababa ang halaga ng buhay ng tao.

Kailangan ng kaunlaran ang respeto sa buhay. Ang pagpapalaganap ng “demographic control”, “abortion”, “sterilization” at “euthanasia” ay hindi nagsusulong ng pag-unlad ng tao. Pinapakalat nito ang “anti-birth mentality” at pinapalabas ang mga ito na tila 'progreso ng kultura'. Ang mga mayayamang bansa ay dapat na maging bukas sa buhay na tanging makakapagbukas sa kanila sa mga mahihirap at makakatulong sa paglaban sa mga makarasariling kagustuhan.

Ano ba ang Technocratic Technology? Ang Teknolohiya ay nagbibigay kakayahan sa atin upang mapangasiwaan ang mga bagay. Ito ay ang ating pagsagot sa utos ng Diyos na linangin at pangalagaan ang lupa (Gen 2:15) na Kanyang ipinagkatiwala sa atin. Dapat makita ang mapanlikhang pagmamahal ng Diyos sa Teknolohiya. Ito ay dapat na mapangalagaan ng mga matutuwid na tao na nagmamalasakit para sa kabutihan ng lahat.

May malaking peligro kung ilalagay natin ang buong pagtitiwala sa Teknolohiya lamang para sa pagpapaunlad ng tao. Ito ay mapeligro dahil mawawalan amg Teknolohiya ng direksyon. Mali din na ituring ang Teknolohiya bilang kalaban ng tao dahil ito ay nagpapakita ng kawalang-tiwala ng tao sa Diyos at sa kakayahan ng tao na makontrol ang kaunlaran.

Ang ilan sa mga halimbawa ng Teknolohiya na walang gabay ng tamang rason ay ang “invitro fertization”, “embryo stem cell research”, ang paggawa ng mga “clones”, “eugenic programming of births”. Ang isa pang halimbawa, kung minsan ay nakikita lang natin ang mga problema at emosyon ng buhay sa purong psychological na aspeto at nagtutuon lamang ng pansin sa mga kemikal reaksyon ng ating utak. Ang mga ito ay may mga siyentipikong basehan ngunit hindi dapat limitahan ang solusyon sa ganitong aspeto ng tao.

Ang paglaki ng populasyon ng tao ay hindi ang pangunahing problema ng kaunlaran ngunit dapat din nating tandaan ang responsableng pag-aanak. Nasu-solusyonan ng mga mahihirap na bansa ang kahirapan hindi dahil sa pagbabawas ng populasyon kung hindi sa paggamit sa enerhiya at ng pagkamalikhain ng kanilang mga mamamayan. Samantala, ang ilan sa mga mga mayayaman sosyodad ay humaharap sa hamon ng pagbaba ng bilang ng mga tao at pagtanda ng populasyon na nakakaapekto sa kanilang ekonomiya.

Kailangan ng ekonomiya ang “ethics” o mga prinsipyo upang malaman ang tama at mali, “ethics” na naka-sentro sa tao. Makakatulong ang Doktrinang Panglipunan ng Iglesiya dito dahil ito ay nakabase sa pagkakalikha ng tao sa imahen ng Diyos (Gen 1:27) at sa kahalagahan ng “Natural moral norms”.

Ang kalikasan ay handog ng Diyos para sa mga tao. May responsibilidad ang tao sa paggamit nito para sa mga mahihirap, para sa mga susunod na saling-lahi at sa buong sangkatauhan. Ang bawat pagsira sa pagkaka-isa at pagka-kaibigan ng tao ay nakakasama sa kalikasan. Gayun din naman na ang pagsira sa kalikasan ay nakaka-apekto sa relasyon ng lipunan. Ang 'di paglinang sa mga lupa at kawalan ng pangangalaga ng mga agrikultural na lugar ay resulta ng kahirapan at kakulangan ng kaunlaran ng mga nakitira roon. Kapag nabigyan ng tulong pang-ekonomiya at kultural na pag-unlad ang mga tao, napapangalagaan nila ang kalikasan. Ang isa pang halimbawa na ang kabutihan ng tao ay kaugnay ng kabutihan ng kalikasan, ang mga natural na yaman ay nasisira ng mga digmaan. Ang kapayapaan sa loob at labas ng pamayanan ay nagbibigay ng proteksyon sa kalikasan. Ang mapayapang kasunduan sa paggamit ng kalikasan ay nagbibigay proteksyon dito at sa kabutihan ng pamayanan. Ang katungkulan natin sa kalikasan ay kaugnay ng katungkulan natin sa tao.

http://recordings.talkshoe.com/TC-10458/TS-417672.mp3

Konklusyon

  • Kung wala ang Diyos, hindi malalaman ng tao kung saan siya pupunta at hindi niya malalaman kung sino talaga siya.

  • Marami tayong mga hamon at kahirapan ngayon ngunit patuloy tayong nakakakuha ng lakas sa ating pananampalataya at sa sinabi ng Panginoong Hesu-Cristo na nagturo na:: “Wala kayong magagawa nang hiwalay sa akin” (Jn 15:5) ”Ako ay kasama ninyo palagi hanggang sa wakas ng panahon” (Mt 28:20).

  • Hindi natin makakamit ang tunay na makataong paglago kung nakasalalay lang tayo sa ating mga sarili. Tanging sa pag-alam natin sa ating mga bokasyon, bilang mga indibidwal at bilang komunidad, upang maging bahagi tayo ng pamilya ng Diyos natin makikita ang tamang direksyon at lakas para sa kabutihan ng tao.

  • Ang pagiging bukas sa Diyos ay nagbubukas sa atin sa ating mga kapatid . Sa pagbubukas na ito, nakikita natin ang ating buhay bilang masayang tungkulin na gagawin sa pamamagitan ng espiritu ng pagkakaisa.

  • Kung tatanggihan o kakalimutan natin ang Diyos, ihinihinto natin ang ating pagsulong at lumilikha tayo ng ma sistema na nakakasama sa tao. Nagbibigay sa atin ng pag-asa ang makita ang pagmamahal ng Diyos. Ito rin ay nagbibigay lakas sa atin upang magsikap para sa katarungan at sa kaunlaran ng mga tao. Binigyan tayo ng Diyos ng lakas upang lumaban at magdusa nang dahil sa pag-ibig sa kabutihan ng lahat dahil ang Diyos ang ating Lahat, ang ating Pag-asa

  • Kailangan ng pag-unlad ang mga Kristiano na may relasyon ng pag-ibig sa Diyos. Kasama ang esperitwal na buhay sa pag-unlad

Thursday, April 21, 2011

Sent from my Windows Phone

Monday, February 22, 2010

Pebrero 22: Kapistahan ng Posisyon ng Sto Papa; Grasya ng Kawalang Pagkakamali (Infallibility)

Pinapaliwanag sa website ng Catholic Answers ang tungkol sa Papal Infallibility (http://www.catholic.com/library/Papal_Infallibility.asp).

Mga Maling Akala

Maraming mga tao ang nag-aakala na ang mga Popes ay pinaniniwalaang hindi pwedeng magkasala. Ang Infallibility ay hindi ang kawalan ng posibidad ng magkasala. Ang infallibility din ay hindi lang limitado Sto. Papa, ito din ay para sa lahat ng mga obispo kapag kaisa sila ng papa sa aspeto ng doktrina at nagsasabi na ang mga ito ay katotohanan.

Kahulugan

Ang doktrina tungkol sa "Infallibility" ay tumutukoy sa grasya na pinagkaloob ng Panginoon upang mapigilan ang anumang pagkakamali sa pagtuturo ng totoong pananampalataya. Ang grasyang ito ay tumutulong sa Santo Papa sa loob ng 3 kondisyon:

  • Siya ay nagsasalita bilang Ulo ng Simbahan sa kapangyarihan ng posisyon ni San Pedro
  • Siya ay nagtuturo sa aspeto ng moral at ng pananampalataya.
  • Ang pagtuturo ay kanyang pinatatanggap sa lahat ng tao.

Mga tala sa artikulo ng Catholic Answer tugkol sa Infallibility

Ayon sa Vatican II ang mga obispo ay Infallible din kahit sila ay kalat sa iba't ibang bansa sa tuwing sila ay nagpapahayag ng pananampalataya hangga't sila ay nagkakaisa at kasama nila ang Sto. Papa tungkol sa isang pananaw sa moral at faith na dapat sampalatayanan ng mga tao, ang halimbawa nito ay ang mga nangyayari sa Ecumenical Council

Makikita sa Bibliya "guide you into all the truth" (John 16:13) na hindi magkakamali ang simbahan, kahit magkamali ang parte ng miyembro nito (Matt. 16:18, 1 Tim. 3:15) Mas luminaw ang doctrina na ito nang makita ang awtoridad ng simbahan at ng primacy ng Sto. Papa at makikita ito sa unang kasaysayan ng Simbahan. Ang isang infallible pronouncement ay karaniwang nangyayari kapag may pagkakahati sa issue ng doktrina. Madalas na ang mga doktrina ay pinaniniwalaan naman ng malaking halos lahat ng miyembro ng Iglesiya.

Paglilinaw

Marami pa din ang nalilito sa pagkakaiba ng impeccability at Infallibilty ng Sto. Papa. May mga tanong din kung bakit ang ilan sa mga Sto. Papa ay hindi magkasundo sa ibang mga bagay. Dapat natin alalahanin na ang infallibility ay "solemn, official teachings on faith and morals, not to disciplinary decisions or even to unofficial comments on faith and morals". Ang infallibility ay hindi tumutulong sa Sto. Papa para malaman ang katotohanan, kailangan niya pa din alamin ang katotohanan, pero ang infallibilty ay pagpigil sa kanya ng Espiritu Santo na ma solemnly at pormal na magturo ng bagay na hindi totoo.

Pinapakita ng iba ang pag-iwas ni Pedro na maki-kain sa mga Christian Gentiles dahil sa takot niya sa mga tuling Judio pero sa pagkakataong ito, hindi nagtuturo si Pedro sa bagay ng Faith at Morals. Makikita din na alam ni Pedro ang tama pero hindi pa din niya ito sinunod. Para matulungan ang ating mga napahiwalay ng kapatid, ipakita natin na ginamit ng Espiritu Santo si Pedro ang dalawang Epistles ng walang pagkakamali.

Pagpapatibay ng Bibliya

  • "And I tell you, you are Peter [Petros], and on this rock [petra] I will build my Church, and the powers of death shall not prevail against it. I will give you the keys of the kingdom of heaven, and whatever you bind on earth shall be bound in heaven, and whatever you loose on earth shall be loosed in heaven'" (Matt. 16:18-19).
  • Ibibigay ko sa iyo [soi=singular you] ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo [deses=singular you] dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, ang kalagan mo [luses= singular you] dito sa lupa ay kakalagan dinsa Langit."Mt 16:19
  • Talagang sinasabi ko sa inyo : ang talian ninyo [pangmaramihan] sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan ninyo [pangmaramihan] dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit. (Mat 18:18)
  • Simon, Simon, hinihingi ni Satanas na salain kayong [pangmaramihan] tulad ng trigo pero ipinagdasal kita [singular] nang di bumagsak ang iyong [singular] pananampalataya. At sa pagbabalikloob mo [singular] naman , patatagin mo [singular] ang iyong mga kapatid.( Luke 22:31 -32)

Makikita natin ang mga ebidensiya nito pati sa Bibliya sa "He who hears you hears me" (Luke 10:16), at "Whatever you bind on earth shall be bound in heaven" (Matt. 18:18). Ang Tungkulin ni Pedro na kaiba sa ibang mga Apostoles. Ang gagampanan ni Pedro sa Simbahan ay nasusulat sa "At sinasabi Ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magwawagi laban sa kanya." Mateo 16 : 18 Ayon sa Katekismo ng Iglesia Katolika

  • Ibibigay ko sa iyo [soi=singular you] ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo [deses=singular you] dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, ang kalagan mo [luses= singular you] dito sa lupa ay kakalagan dinsa Langit."Mt 16:19
Ano ang kahalagahan ng pananampalatayang ito para sa ating mga Kristiyano? Bakit mahalaga ang pagsunod natin sa Santo Papa? Anong ang ginagampanan ng Santo Papa sa Iglesiya ng Diyos? Mababasa sa Catechism of the Catholic Church ang ganito "Ang pananampalatayang ito ni Pedro ay ang bato na ginamit ni Hesus para maitayo ang Kanyang Iglesiya (424). Ang pagtanggap na si Hesus ay Anak ng Diyos ay ang sentro ng pananampalataya ng mga apostoles
(CCC442). Dahil sa pananampalataya ni Pedro, siya ang matatag na bato na magpapanatili at magproprotekta ng pananampalataya at magpapatatag ng pananampalataya ng
kanyang mga kapatid (CCC552).

Kanino pinagkatiwala ni Hesus ang Susi ng kaharian ng Langit? Di ba Niya ito binigay sa lahat ng apostol? Ang susi ng Iglesiya ay pinagkatiwala lang ni Hesus kay Pedro. Ngunit ang kapangyarihan na magkalag at magtali ay ibinigay din sa mga apostoles kasama ang ulo tulad ng makikita sa:

  • Talagang sinasabi ko sa inyo : ang talian ninyo [pangmaramihan] sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan ninyo [pangmaramihan] dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit. (Mat 18:18)
Ang Santo Papa ay napoprotektahan na magkamali sa aspeto ng pagtuturo ng moral (18:15-19) at ng pananampalataya (Mt16:16-17). Magkaiba ba ang tinutukoy ni Hesus sa paggamit niya ng Petros at Petra? May mga nagsasabi na ang Petra ay nangangahulugan ng malaking bato at ang Petros naman ay maliit na bato, bakit magkaiba ang ginamit ng sumulat ng Ebanghelyo? Ang petros at petra ay magkasing kahulugan sa mga panahon na isinulat ni San Mateo ang Ebanghelyo. May mga makikita na magkaiba ang kahulugan ng dalawa sa mga tula ng mga ilang siglo bago ang panahon ni Hesus, ngunit ang pagkakaiba sa mga salitang ito ay halos nawala na sa panahon ni Hesus at makikita na lang ito sa salitang Attic Greek. Ngunit ang New Testament ay isinulat sa Koine Greek kung saan ang dalawa ay walang pagkakaiba. Kung talagang gustong idiin ni Hesus na si Pedro ay isa lamang na maliit na bato, dapat sana ay ginamit Niya ang salitang "lithos" na madalas na gamitin para tumukoy sa maliit na bato. [source: catholic.com]

  • Thus says the Lord, the GOD of hosts: Up, go to that official, Shebna, master of the palace, Who has hewn for himself a sepulcher on a height and carved his tomb in the rock: "What are you doing here, and what people have you here, that here you have hewn for yourself a tomb?" The LORD shall hurl you down headlong, mortal man! He shall grip you firmly. And roll you up and toss you like a ball into an open land To perish there, you and the chariots you glory in, you disgrace to your master's house! I will thrust you from your office and pull you down from your station. On that day I will summon my servant Eliakim, son of Hilkiah; I will clothe him with your robe, and gird him with your sash, and give over to him your authority. He shall be a father to the inhabitants of Jerusalem, and to the house of Judah. I will place the key of the House of David on his shoulder; when he opens, no one shall shut, when he shuts, no one shall open. I will fix him like a peg in a sure spot, to be a place of honor for his family; On him shall hang all the glory of his family: descendants and offspring, all the little dishes, from bowls to jugs. On that day, says the LORD of hosts, the peg fixed in a sure spot shall give way, break off and fall, and the weight that hung on it shall be done away with; for the LORD has spoken. (Isaiah 22:15)
Mayroon bang kaugnayan ang pagbasa sa Isa 22 sa Mat 16? Ang pagbasa sa Mateo 16 ay pinangungunahan ng pagbasa galing sa Isa 22. Sa pamamagiitang ng pagbasa natin sa nasusulat sa Lumang Tipan, mas magkakaroon tayo ng ideya kung ano ang kahalagahan ng sinabi ni Hesus kay Pedro. Sabi nga, nakatago ang Bagong Tipan sa Lumang Tipan, at ang Lumang Tipan ay ibinubunyag sa Bagong Tipan.

Sinundan si David ng mga iba pang mga hari at si Haring Hezekiah, ang ika-14 na hari ng Juda, ang hari sa pangyayaring ito. Ang naging katulong ng mga hari ay ang mga ministro na pinamumunuan naman ng Punong Ministro. Sa Isa 22, ang sinisimbolo ng susi ay ang pagiging Punong Ministro. Nagpatuloy ang pangyayari na nawalan na ng pagtitiwala ang Panginoon kay Sobna at sinabi na papalitan na siya sa kanyang puwesto. Kinailangan ng awtoridad ng Panginoon upang tanggalin siya sa kanyang puwesto (Isa 22:1)

Kung Ang kaharian ni Haring David ay naitaguyod nang mga 11B.C. at ang una hanggang ika-39 na kabanata ng libro ni Isaias ay naisulat ng mga 8 B.C., nangangahulugan na ang susi ay naipasa ng 300-400 na taon. Sa Lumang Tipan, makikita ang pagkakaroon ng katulad na puwesto sa mga namamahala ng sambahayan ng Hari (2 Kings15:5, Gen 41:39-40). Halimbawa na lang nito ay si Jose na namahala para sa Paraon. Sa ating panahon, ang posisyon na iniwan ni San Pedro ay di nawawala ngunit naipapasa, at ang posisyon na ito ay ang sa Santo Papa.

Ayon sa Revelation 3:7, si Hesus ang may hawak ng susi ng sambahayan ni David na siya ang may kapangyarihan magsara at magbukas. Hindi binibitawan ng Diyos ang Kanyang awtoridad sa mga susi ngunit ipinagkakatiwala Niya ito sa mga naatasan Niya. At sa Juan 21:15-17 si Pedro ang magiging Pastol ng mga tupa at kordero.

" Jesus entrusted a specific authority to Peter: "I will give you the keys of the kingdom of heaven, and whatever you bind on earth shall be bound in heaven,and whatever you loose on earth shall be loosed in heaven."287 The "power of the keys" designates
authority to govern the house of God, which is the Church. Jesus, the Good Shepherd, confirmed this mandate after his Resurrection: "Feed my sheep."288 The power to "bind and loose" connotes the authority to absolve sins, to pronounce doctrinal judgements, and to make disciplinary decisions in the Church. Jesus entrusted this authority to the Church through the ministry of the apostles289 and in particular through the ministry of Peter, the only one to whom he specifically entrusted the keys of the kingdom."

Makikita natin ang pagkakaiba ng tungkuling ginagampanan ng Santo Papa na kaiba sa tungkulin ng mga Obispo dahil siya lang ang pinagkalooban na mag-isang makakapagtali o makakapag-kalag sa lupa na mangyayari din naman sa langit. Ang suporta nito sa Bibliya ay makikita sa "Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang iyong talian sa lupa at tatalian sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit." Mateo 16 : 19 Sa pagkakataong ito, binigay ni Hesus ang susi kay Pedro lamang. Mapapansin dito na hindi kinakailangan ang pagsang-ayon ng ibang mga apostol para sa pagkalag
at pagtali ni Pedro.

Makikita din sa"Simon, Simon, narito, hiningi ni satanas na ligligin kayo gaya ng trigo, subalit ako ay nanalangin para sa iyo upang ang iyong pananampalataya ay huwag mawala; kung makabalik ka nang muli, ay palakasin mo ang iyong mga kapatid." Lucas 22 : 31-32 Sinasabi dito na si Pedro ang naatasan na magpalakas ng pananampalataya ng Simbahan.

Para sa marami pang mga sitas sa bibliya na magpapatibay ng kanyang tungkulin bilang punong ministro ng Simbahan na pinagkalooban ng grasya ng Infallibility, pumunta na lang sa link na ito http://www.scripturecatholic.com/primacy_of_peter.html

* "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na anumang inyong talian sa lupa ay yaong tatalian sa langit; at anumang inyong kalagan sa lupa ay yaong kakalagan sa langit. " Mateo 18 : 18

Infallibility ng lahat ng Apostoles kaisa ni Pedro

Para naman sa grasya na natanggap ng mga Obispo, ang kanilang kapangyarihan na magkalag at magtali ay binigay ni Hesus di para sa isa sa kanila lamang pero para sa grupo. At sa grupong ito, kasama nila sa mga pinagbigyan ni Hesus si Pedro. Kaya naman masasabi na infallible ang mga lahat ng Obispo kung sila ay magkakaisa sa isang desisyon, moral man o pananampalataya, sa kondisyong sila ay nakikiisa sa desisyon ng Santo Papa. Makikita ang pagbigay ng kapangyarihan na ito sa Magisterium ng Simbahan

Sa turo ni Hesus, ang may awtoridad sa pagbigay ng kahulugan at pagpapanatili ng Sagradong Salita ng Diyos ay ang Magisterium ng Simbahan. Ang Magisterium
ay binubuo ng Santo Papa at ng mga Obispo na kaisa ng Santo Papa na gumagalaw sa kapangyarihan ng kanilang posisyon. At dahil sa naniniwala ang Simbahang
katoliko na hindi namamatay ang posisyon ng Apostol kung hindi ay naipapasa, parte ng pananampalataya at isang doktrina na ituring ang Santo Papa at mga Obispo
na nakaupo sa posisyon ng mga Apostol. Dahil dito, marapat lang na makinig tayo sa kanila dahil sinabi ni Hesus na:

"Whatever you bind on earth shall be bound in heaven"
(Matt. 18:18).

* At dahil sa garantiya na si Hesus na "guide you into all the truth" (John 16:13).

* Simon, Simon, hinihingi ni Satanas na salain kayong [pangmaramihan] tulad ng trigo pero ipinagdasal kita [singular] nang di bumagsak ang iyong [singular] pananampalataya. At sa pagbabalikloob mo [singular] naman , patatagin mo [singular] ang iyong mga kapatid.( Luke 22:31 -32)

Makikita natin dito na pinili ni Hesus si Pedro upang mamuno sa mga apostol, at dahil sa pinagdasal ni Kristo ang pananampalataya ni Perdro bilang punong ministro ng Iglesiya.
Other biblical Evidence of the Primacy of Peter
Mga Ebidensiya na nangunguna sa mga apostol sa New Testament
Nangunguna si Pedro 'pag tinutukoy ang mga apostoles (Matt. 10:1-4, Mark 3:16-19, Luke 6:14-16, Acts 1:13, Luke 9:32)
Si Pedro ang kadalasang tagapagsalita ng mga apostoles (Matt. 18:21, Mark 8:29, Luke 12:41, John 6:68-69)
Kapansin-pansin siya sa mga mahahalagang pangyayari (Matt. 14:28-32, Matt. 17:24-27, Mark 10:23-28)
Sa Pentecost, sya ang nanguna sa pagtuturo (Acts 2:14-40), pagpapagaling matapos ang Pentecost, kaarawan ng simbahan, (Acts 3:6-7)
Ang pananampalataya ni Pedro ang magpapalakas ng kanyang mga kapatid (Luke 22:32)
Siya ang pinagbilinan ng mga tupa (John 21:17)
Pinadalan ang anghel kay Pedro para ipaalam ang muling pagkabuhay (Mark 16:7)
Siya ang nanguna sa pagpupulong at paghirang kay Matthias (Acts 1:13-26)
Tinanggap niya ang mga unang converts (Acts 2:41)
Siya ang unang nagparusa (Acts 5:1-11)
unang nag-excommunicate ng heretic (Acts 8:18-23)
Nanguna sa unang konsilyo sa Jerusalem(Act 15) at pagbigay ng unang dogmatic decision
Unang nakatanggap ng mensahe ng pagtanggap ng mga Hentil para mabinyagan at maging Kristiano (Acts 10:46-48)

Base din sa Kasaysayan

Makikita din sa Sagradong Tradisyon na pati si Cyprian ng Carthage, na sumulat noong 256, ay nagbigay ng ganitong tanong, "Would the heretics dare to come to
the very seat of Peter whence apostolic faith is derived and whither no errors can come?" (Letters 59 [55], 14). At sa sinabi noong ikalimang siglo ni Augustine na, "Rome has spoken; the case is concluded"
(Sermons 131, 10).

Ano ang pagpapatunay na naipapasa ang Posisyon ng mga apostoles. Pano tayo nagkaroong ng mga Obispo at ano ang kaugnayan nila sa mga Apostoles? Sa pangunguna ni Pedro, sila ay namili ng papalit kay Judas (Acts 1:20-26). Si Matthias ang napili bilang kapalit ni Judas na nangangahulugan na naluklok siya sa posisyon ng episkopoi na mangangalaga ng simbahan.

Masasabi natin na sina Pablo (Paul) at Bernabe (Barnabas) ay naging obispo ng simbahan dahil sa kanilang ginampanan ng pagbisita at pagtingin (episkepsometha= oversee) sa simbahan (Acts 15:36). Ang nagmana ng posisyon ng mga Apostol ay ang mga Obispo. Sinabihan ng mga apostol ang taong hinirang nila na sa kanilang pagpanaw, makapili sila ng tao na magpatuloy ang kanilang misyon . At dahil dito, napananatili ang Tradisyon ng mga apostol. Ito ang nangyari ng piliin ni Pablo sina Timoteo at Titus (Titus 1:5).

Ang Matatanda ng Iglesiya (Act 20:17) ang tinutukoy sa Act 20:28 na may tungkulin na maging tagapag-ingat (overseer) para pangalagaan ang Iglesiya. Ang salitang "bishop" sa Ingles ay galing sa salitang episkopos sa Griego na ang kahulugan ay tagapag-ingat

--
Posted By . to Katoliko Group Homepage! at 2/21/2010 07:01:00 PM

__._,_.___
Visit our NEW Katoliko Homepage http://katoliko.blogspot.com and our Katoliko Group Youtube http://youtube.com/katolikogroup
.

__,_._,___